Friday, July 25, 2008

random thoughts in tagalog; kwentong bulaklakin

minsan, sa aking paglalakad mag-isa tungo sa 'zen state of mind' (soul searching kumbaga), ay may nakatagpo akong isang paru-paro na tila'y lumilipad na walang direksyon, animo'y nawawala sa karangyaan at kagandahan ng mundo. marahil sa pagka "werla" nito ay napilitan syang lapitan ako nung nagtagpo ang aming mga tingin, at tinanong ako "alam mo ba ang daan patungong langit, kaibigan?".

napagbuntong hininga ako, at napag-isip ng napakalalim. hindi ako nakasagot agad, at nung napansin ng paru-paro na kumukunot na ang aking nuo sa kakaisip ay kumunot rin ang antenna nito. kami'y nasalakab sa isang moment of silence.

"define langit..." ang mga salitang bumulalas sa aking bibig sa pagmamadaling hanapan ng paraan upang biyakin ang moment of silence na yun, na sinabayan ko ng isang makamundong ngiti na nagbabadya kung anong klase ng langit ang napapaloob sa aking isipan.

"langit 'pre... yun yung term namin sa pinaka magandang hardin dito sa inyo. kung saan may sang damakmak na bulaklak na fresh na fresh at namumukadkad sa kagandahan..." tugon nito. sa pagkakataong iyon ay naisip ko na ang langit para sa paru-parong ito at ang langit na syang iniisip ko ay hindi pala nagkakalayo. dun ko rin naisip na may mga lalakeng paru-paro pala... kung sabagay, ndi ko rin pwedeng i judge ang gender nya sa kulay ng mga pakpak nyang pink sapagkat ang suot ko na t-shirt nun ay sumisigaw na yellow green with pink accent lines all over. char

"ah, yun ba? alam ko yun.. ang totoo nyan, dun ko itutuloy ang kasukdulan ng aking soul searching. ikaw?"

"andun ang gerlprend ko 'pre... bagong relocate kasi sila mula sa pinag-lumaang garden dun sa isang kanto. magkikita kami ngayon, para, you know na.. pollinate. hihihi" sagot ng paru-paro, na may halong kilig na tumatakbo sa buong katawan nito. may mga hayop palang sadyang korny.

"o sige, sabay na tayo.. pero teka, sa dinami-rami ng bulaklak dun, sigurado ka bang makikilala mo pa yung gerlprend mo?" usisa ko.

"syempre.. lovers' instinct tol.. wala ka nun ano?" sagot ng paru-paro.

lang h'ya, nang alaska pa tong paru-parong to. pero hindi na rin ako sumagot sapagkat may point rin naman sya. pano nga ba ako magkaka lovers' instinct kung in the first place wala akong lover (na sya kong hinahanapan ng paraan sa mga panahong iyon). tsk tsk tsk

at yun na nga, nagpatuloy na kami sa aming paglalakad, at narating ang "langit" sa iilang minuto lamang. sa aming pagdating ay kapansin-pansin ang katahimikan ng lugar. naghanap ako ng pwesto kung saan makakapag relax ng mainam, at ang paru-paro ay naging busy sa paghahanap ng gerlprend nya. sa iilang sandali lang ay naispatan nya ito at inalok akong ipakilala sa mga kaibigan nyang bulaklak rin. sweet raw sila at fresh na fresh rin. "anong tingin mo saken? vegetarian?" ang syang biro ko, bago namin nilapitan ang gerlprend nya.

nung papalapit na kami ay may isang lalake ang biglang sumulpot mula sa kawalan ng kalawakang pumapagitna sa amin at sa mga bulaklak sa mga panahong iyon. at sa isang iglap ay pinitas ang gerlprend ng kawawang paru-paro, sabay takbo sa isang babaeng naka-upo sa isang lugar na ndi kalayuan sa aming kinatatayuan...

shet... ang babaeng yun ang syang babaeng nagpapatibok ng aking puso, ang dahilan kung bakit ako nag so-soul searching in the first place... ang babaeng matagal ko nang dinadala sa aking damdamin.

at isa pang shet para sa gerlprend ng paru-parong pinitas nung lalakeng ndi naman kagwapuhan, pero feeling matinee idol; may pabigay bigay pa ng flower na pwede naman sana nyang bilhin dun sa tapat ng sementeryo.

nung sinimulan ng tirisin ni crush ang bulaklak petal by petal, at nag "he loves me he loves me not" (na nagtapos sa "he love meee!" sabay halik sa actor) ay naramdaman ko ang pag-guho ng salingang aking kinatatayuan.

"o hindeeee!" ang bulong ng trahedya ng paru-parong tila nawalan na ng gana mabuhay.

ako nama'y tumalikod, at dahan dahang naglakad pauwi na may dalang masidhing damdamin sa aking nasaksihan... marahil dahil sa katotohanang sa pangyayaring 'yon ay naisip ko na ganun lang pala kadali maulila ang mga puso ng mga nilalang matapat magmamahal.



>>simulposted on www.1000things.wordpress.com<<

Wednesday, July 9, 2008

it is for her that i write

it is for her that i write
the sweetest songs that i could ever make
for her that i say "she moves my heart..."
or "makes me smile and sends my worries away"

that even under the silent lilac sky
or the rugged stormy nights
when nature sings her loudest tunes
the voice of my heart goes on and on

it is for her that i write
the sweetest songs that i could ever sing
sometimes i fall into the melody of her voice
like a shooting star caressing the sky
or a bird freely gliding with the wind
bringing the sound of spring
i sing of her beauty to the world

and when i close my eyes to sleep
it is her face i see, and my voice that i hear
the sweetest songs i could ever sing
for the sweetest thing that ever happened to me.

Sunday, July 6, 2008

blast from the past

oh well since i've been a busy bee for two to three months now, i haven't had the time to come up with a maddening random blog.

so im posting something from the past because i think its always a good thing to look back (especially if you're walking away from the beautiful past... oh well, the wonders of life).

so without further ado about nothing, heres something from my old blog from the old world.

still open for reconstructive suggestions (heck, even up to now I'm not contented with how it looks yet).

----

Hey Pain

hey vicious pain.
that come in stabs,
a heart can contain.
your punctures lead
to burning scars;
a slow kill
of hot, sharp nails
pressing on your chest...
and thoughts of death
living in your dreams.

you bury with contempt
suffering souls;
mocking the world
like a misty rain
that teases the desire
of the lips of the earth
for wetness and life

hey, sulking friend
that do distrust sleep
on a pillow of tears.
your beautiful eyes,
are somber and cold
they yearn to ask,
why not, oh why not
let all the tears run out
in one so sober cry.